Sunday, October 23, 2005

Nakakainis sila

Ganun ba talaga, dapat misinterpreted ka? I so hate it when people get the wrong impression. Ba't ba kasi ganito ako? C'mon! I may sound mad but I'm not mad... at all.

Bakit kahit sobrang nagpapakapuyat ka para matapos ang trabaho pero walang nakakapansin ng effort mo? Pero mapapansin nilang may isang "typo" ka.

Minsan hindi ka na naglu-lunch, mukha kang ngarag at ang pangit-pangit mo na pero hindi ka parin daw mukhang busy.

Bakit yung ibang tao, trying hard to please, sobrang back-biters, pretentious and everything pero well-loved sila? Ikaw na nagpapakatotoo lang misinterpreted ka pa.

Bakit may ibang taong grabe na ang inferiority complex? Kailangang i-compare nila ang sarili nila sayo - in your face? Mygoodness.

Bakit may taong super takot magmukhang tanga? Hindi mo naman inaano, maiinis sayo just because you brought up something that made them look stupid.

Bakit kailangan ang tao naghahanap ng kakampi? Kapag naiinis sila sayo, kailangang ikuwento sa iba para mainis din yung iba. Sa katapusan, ikaw hindi mo na nai-share yung side mo dahil naging sarado na ang utak ng majority?

Nakakainis sila. I hate this day.