Sabi nga nila, bilog ang mundo. Pag sobrang saya mo porket napanood mo ang boyband na minahal mo simula pagkabata mo, a few days later, mabubuwisit ka naman ng bonggang bongga dahil sa mga bagay na hindi mo kagagawan.
Ang pakikipagbuno sa buhay -- art yan. Sink or swim. Pero sa ngayon nabubuwisit talaga ako. Ng bonggang bongga. Hindi naman dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko or kung papaano nanaman haharapin ang sitwasyon dahil malalaman ko rin yan eventually, kapag ako ay nakapag-isip na ng mabuti. Pag nawala na ang inis at napalitan ng levelheadedness. Nakakainis lang talaga. Human nature naman ang mainis. Tulad ng kaligayahan na hindi nabibili, libre lang ding mabuwisit.
Buti nalang mejo kalmado naman ako dahil napapasayaw ako sa kantang Bad Romance ni Lady Gaga. Salamat sa nag-imbento ng iPod. Nararamdaman ko ngayon ang sinasabi nilang mixed emotions -- iritable pero napapasayaw. Mahirap yon!
Rah-rah-ah-ah-ah! Roma - romamah!
Ngayon, kung nagtataka kayo kung bakit tagalog ang post na 'to gayong hindi naman ako mahilig magsulat gamit ang Tagalog at dahil hindi rin naman ako magaling magsulat ng Tagalog...
Hindi ko rin alam kung bakit. Sige, work mode nako ulit.
Hindi ko rin alam kung bakit. Sige, work mode nako ulit.